November 23, 2024

VILLAR: RECLAMATION PROJECT NG PARANAQUE GOV’T MAKASISIRA SA WETLAND PARK

IGINIIT ni Senator  Cynthia VIllar na magdudulot ng matinding pagbaha sa Cavite, Paranaque at Las Pinas at  makasisira  sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park ang reclamation project  na isinusulong ng Paranaque local government. 

Ginawa ni Villar, chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources,  ang pahayag bilang tugon sa nakatakdang public hearings sa Oktubre 1 at 2 para sa pagtatayo ng 287 ektaryang artipisyal na isla sa baybayin ng Manila Bay na sakop ng Paranaque.

“The Paranaque Reclamation Project will be building on the buffer zone of the Las Pinas-Pranaque Wetland Park. This should not be allowed because it will hamper the free flow of water which is critical to the survival of the wetland ecosystem,” sabi ni Villar.

Makasisira rin ang naturang proyekto sa 35 ektaryang mangrove forest na  tirahan ng mga isda sa Manila Bay at pinagkukunan ng kabuhayan ng 300,000 mangingisda dito.

Kinontra ni Villar ang pahayag ni Paranaque  Mayor Edwin Olivarez, ang project proponent,  na mapipigil ang  pagbaha ng Imus catchment basin.  Binigyan diin ni Villar na ang imprastraktura ay itinayo para sa kasalukuyang problema sa Cavite na dala ng Cavite expressway.

“According to former DPWH Secretary Singson, the Cavitex Expressway is supposed to be a viaduct based on the plan. However, they reclaimed Manila bay and constructed the expressway on top of the reclaimed road which causes so much flooding in Imus, Bacoor and other places in Cavite,” sabi ni Villar.

“To address this, DPWH built the Imus catchment basin. This project is not intended to solve flooding in Paranaque and Las Pinas,” dagdag pa nito.

Umapela din ang senadora sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ikonsidera ang buffer zone ng wetland park bago aprubahan ang anumang reclamation sa nasabing lugar.

Sa ilalim ng Republic Act 1038 o Expanded National Integrated Protected Areas System Act, isang ‘protected area’ ang 175 ektaryang wetland   sa katimugang bahagi ng Manila Bay ay isang protected area. Kabilang ang Las Pinas- Paranaque Wetland sa talaan ng pitong lugar sa bansa na idineklarang  ‘wetland of international importance’ ng Ramsar Convention dahil sa kritikal nitong papel sa kaligtasan sa buhay ng iba’t ibang uri ng mga ibon sa nasabing lugar.