PINARANGALAN ni Sen. Cynthia A. Villar ang mga nanalo sa taunang parol-making competition sa Las Pinas bilang bahagi ng kanyang commitment na suportahan ang lantern industry ng siyudad sa kabila ng COVID-19 pandemic.
“I commend all our participants who, despite the challenging circumstances brought about by COVID-19, have continued to pursue their passion in creating unique and environment-friendly parols that make Las Pinas lanterns stand out among the rest,” ayon kay Villar.
“I am truly proud that we have once again risen up to the challenge of honoring our annual tradition and spread holiday cheer and hope this season.”
Pinangunahan ni Villar ang virtual awarding ceremonies na ginanap sa Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) Hall.
Ang mga nanalo sa kumpetisyonn sa taong ito ay sina: Grand Prize- Bryan Flores, na tumanggap ng Php20,000 cash prize; 1st Runner Glecy Dela Cruz, na tmanggap ng Php15,000; at 2nd Runner up Fercival Santos, P10,000.
Bahagi ang kumpetisyon ng adbokasiya ni Villar upang isulong ang garbage recycling at efficient solid waste management.
Ang entries mula sa Samahang Magpaparol ng Las Pinas ay gumamit ng recyclable materials gaya ng shampoo sachets, soap cartons, straws, pet bottles, cans, used cds at corrugated cartons pati na rin ang organic items gaya ng clam at mussel shells.
“Now on its 15th year, this Parol Festival is our way of raising awareness on the importance of recycling. Participants made use of trash and other recyclable items, so they don’t end up clogging our waterways that result to flooding especially during the rainy season,” dagdag pa ni Villar.
Brainchild ni Sen. Cynthia Villar ang Parol Festival na kanyang sinimulan noong Las Piñas congresswoman pa lamang siya upang palakasin ang parol-making industry sa siyudad. Sa ngayon, ikinokonsidera ang siyudad bilang Metro Manila’s parol-making capital.(
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA