Para lalo pang mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus, nagbigay si Senadora Cynthia A. Villar ng rapid test kits sa Dagupan City kaugnay ng patuloy na testing program ng lungsod.
Tinaggap ni Dagupan City Mayor Brian Lim ang donasyong test kits mula sa senadora sa pamamagitan ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance).
Nauna rito, humingi ng tulong si Lim kay Villar at sinabing kailangan ng Dagupan ng “robust support” sa pagtugon sa pandemya.
“We humbly seek your generous assistance to cover the expenses for the targetted mass testing either through funding for RT-PCR tests or rapid test kits, which we will continue to do in the succeeding months, and which wiil be vital in the sustainability of the measures adopted by the city government,” pahayag ni Lim sa kanyang liham kay Villar.
Ayon pa sa alkalde, ang Dagupan ang kaunang-unahang local government unit sa Pangasinan at sa Region 1 na nagsagawa ng mass testing program.
Ang mga benepisaryo ng mass testing program sa Dagupan, sabi ni Lim, ay lahat ng nasa bulnerableng sektor kabilang ang medical at security frontliners, market vendors, mga manggagawa at public utility drivers.
Tumutulong si Villar sa lahat ng pagsisikap ng pamahalaan para ang ating medical frontliners at publiko na labanan ang Covid-19.
“We should pool our efforts and resources to help improve the country’s testing capacity and recovery rate from the new coronavirus disease,” sabi ni Villar.
Kamakailan lamang, nagpatayo ang senador ng portable hand-washing stations sa tricycle terminals, palengke at matataong komunidad upang manatiling malinis ang mga tao kahit sa labas ng kanilang bahay.
Instrumento rin siya sa pagbubukas ng COVID-19 testing laboratory sa kanyang bayan sa Las Pinas.
Namahagi ang Villar family ng laboratory freezer, biological refrigerator, autoclave sterilizer at passbox sa naturang pasilidad.
“With this testing center, patients in Las Pinas City will no longer have to travel far and wait long for results,” dagdag pa ng senadora.(DANNY ECITO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna