NAMIGAY si Senadora Cynthia Villar ng mahigit 6,000 face shields sa mga residente at manggagawa ng Las Piñas upang mapaigting ang kanilang proteksyon laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa tulong ng barangay leaders at community volunteers, namahagi rin ang senadora ng personal protective equipment (PPE) sa lahat ng 20 barangays sa Las Pinas City at karatig barangay sa Cavite.
Tumanggap din ang mga kawani, farm workers, biomen, street sweepers, waste collectors, traffic aides, barangay tanod at mga pulis ng face shields mula sa senador.
“As we ease quarantine restrictions, we should always remind the people to wear face masks and face shields as well as to practice physical distancing and hand hygiene,” ayon kay Villar.
“These PPEs, which are now available and affordable, will protect our people as they move around the community and earn a living for their families,” dagdag pa nito.
Iginiit pa ni Villar na ang pagsusuot ng face shields bukod sa face masks ay bahagi na ngayon ng istratehiya upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa komunidad. Bukod sa pagsagot sa health check form, may mga establisimiyento din na nagtatakda ng pagsusuot ng face masks at face shields bago pumasok sa kanilang mga lugar.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA