November 24, 2024

Villar nakiisa sa pagdiriwang ng World Toilet Day

Sa pagkilala sa kahalagahan ng wastong kalinisan sa ating buhay at ekonomiya, aktibong nakilahok si Senadora Cynthia A. Villar sa pagdiriwang ng World Toilet Day tuwing November 19.

“We should be clean at all times to maintain good health. A dirty environment poses dangers to our health because it causes many diseases,” pahayag ni Villar, chairperson ng Senate committee on Environment.

“We all know health hazards, among others, that poor sanitation and lack of toilet facilities bring to an individual, families, and entire communities, especially now that we are facing a health crisis due to COVID-19,” dagdag pa nito kasasbay ng pagsabing nagiging sanhi rin ito ng karagdagang economic burden.

Batay sa datos ng World Health Organization, sinabi ni Villar, “For every one dollar invested in basic sanitation in urban areas, an average of $2.5 is returned in saved medical costs and increased productivity.  In rural areas, an average of $5 is returned for every $1 invested. Loss of productivity and sanitation related disease costs many countries up to 5% GDP.”

Sa pagsuporta sa wastong kalinisan, pinangungunahan  ni  Villar ang paggawa ng kubeta at septic tanks projects lalo na sa Metro Manila.

Nangunguna rin siya sa toilet bowl distribution project sa Baseco sa Tondo, isa sa pinakamahirap na komunidad sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, nakapagbigay na siya ng halos 500 kubeta sa Baseco, na ang bilang ay malayo pa sa kailangan ng mga residente. Walang kubeta ang halos kalahati ng 10,000 kabahayan sa  Baseco ang walang kubeta.

Bukod sa panganib sa kalusugan ng mga residente dahil sa open defecation, nagiging  sanhi rin ito ng polusyon ng Manila Bay na sumailalim na sa rehabilitasyon.

Binigyang-diin pa ni Villar na kailangang pangalagaan  ang Manila Bay at ang biodiversity nito dahil marami ang umaasa rito para sa kanilang suplay ng isda at pangkabuhayan.

Aniya, kailangan ng gobyerno ang pinagsanib na puwersa upang mawala na ang open defecation, ang pangunahing layunin ng United Nations General Assembly sa pagdeklara sa November 19 bilang World Toilet Day.

Ang tema sa pagdiriwang ay “Toilet For Every Juan.”

Sa Pilipinas, sanabi Villar na milyong Pilipino pa ang walang kubeta. “Open defecation is still being practiced around the country especially in rural areas or in far-flung areas. They do not have the proper toilet facilities,” ani Villar.

“And this is happening not only in the provinces.  We have also many people in Metro Manila who are defecating in open spaces and bodies of water. And the human wastes, the excrement- they go to our river, to our seas; they go to Manila Bay,” lahad pa nito.

Para matiyak ang kalinisan ng tubig sa ating mga karagatan, sinabi ni Villar na kailangang mahinto ang open defecation.

Bukod diyan, sinabi pa ni Villar na dapat dapat palakasin ng local government units ang kanilang initiyatibo sa pagpapanatili ng ligtas at malinis na kapaligiran para mawala ang open defecation.