Malugod na nakiisa si Senador Cynthia Villar sa pagdiriwang ng “National Environmental Awareness and National Clean Air Month ngayong Nobyembre kasabay ng pagsabing ang pagbibigay ng proteksiyon sa kalikasan ang magliligtas sa mga Pilipino mula sa sakuna at kalamidad.
“Calamities are added burden to us. It can make one poorer because all efforts would be futile,” pahayag ni Villar, chairperson Senate committee on environment, natural resources and climate change.
“Better results would be achieved through more people and groups’ collective efforts geared towards environmental protection,” diin pa ng senadora na mariing tinutulan ang mga proyektong maaring makasira sa kalikasan.
Partikular na tinutulan ni Villar ang planong reklamasyon sa kahabaan ng baybayin ng Manila Bay na ayon sa kanya’y makakasira sa Paranaque Wetland Park, isang deklaradong protected area sa ilalim ng batas. Makukumpormiso din aniya ang kabuhayan ang mahigit 300,000 fisherfolk sa kalapit na mga komunidad.
Tungkol naman sa problema sa plastic waste, isinusulong ni Villa rang pagpapatupad ng extended producer responsibility (EPR), isang measure na ginagawa ng mga bansa sa Europa para limitahan ang paggamit ng plastic waste at ang pagtatayo ng recycling facility para dito.
Para makatulong na mabawasan ang plastic waste, nagpatayo ang Villar Sipag Foundation ng tatlong pasilidad para i-convert ang plastic waste sa silya na ipinamamahagi ngayon sa mga pampublikong paaralan at mga farm s chool sa buong bansa. Maging ang Coco-Cola Beverages Philippines, ayon kay Villar ay nagpatayo na rin ng recycling facility sa General Trias, Cavite na magko-convert sa plastic bottle waste sa bagong botelya.
“We have a lot of plastic wastes here in Metro Manila. When disposed improperly, they could clog our drainage systems and eventually cause flooding, which in turn spreads diseases,” babala ni Villar.
Sa paggunita ng National Clean Air Month, sinabi ni Villar na ang pagpapanatili ng malinis na hangin ay dapat maging bahagi ng “new normal” kasunod nang coronavirus pandemic na nararanasan sa buong mundo.
Binanggit nito ang ulat kung saan gumanda ang kalidad ng hangin sa Pilipinas sapul nang ipatupad ang community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
“We should keep this positive momentum going. It should be part of the new normal we are talking about,” ani ni Villar kasabay ng pagsabing plano niyang rebyuhin ang implementasyon ang 21-taong Republic Act 8749 o Clean Air Act na naglalayong i-improve ang air quality sa bansa.
Bilang mambabatas, nakapaghain si Villar ng mga panukalang batas na magsisilbing solusyon at magpapatupad ng istratehiya para matugunan ang patuloy na problema sa kalikasan.
Nauna nang inihain ni Villa rang Senate Resolution No. 329 o “The Plastic Waaste Leakage Into The Seas” para magtugunan ang problema sa plastik na basura na napupunta sa karagatan.
“I have also talked to consumer product companies who are big users of plastics to join the government’s efforts towards environment protection,” ani Villar.
Isinusulong din nito ang Senate Bill No. 1331 na naglalayong i-institutionalize ang paggamit ng EPR sa waste management, kasama na dito ang Senate Bill No. 333 o “Single-Use Plastic Product Regulation Act of 2019” na naglalayong kontrolin ang pagggawa, importasyon at single-use ng produktong plastik.
Bukod pa diyan, bahagi rin ng itinutulak ni Villar ang proteksiyon at rehabilitasyon ng Manila Bay. Inihain nito ang Senate Bill No. 334 na naglalayong pagtibayin ang integrated coastal management bilang national strategy para matiyak ang development sa coastal at marine environment resources ng bansa.
Noong 2018, pinangunahan din Villar ang pagpasa ng RA No. 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) Act na nagdedeklara sa 94 lugar sa bansa bilang protected area.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA