Pinasalamatan ni Senadora Cynthia Villar ang San Miguel Foundation Inc. sa kanilang donasyong Polymerase Chain Reaction (PCR) Machine para sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGHSTC).
Napabilis ang pagdating ng PCR machines sa tulong na rin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar. Ayon kay Villar, ang PCR machine na may UPS, AVR at laptop ay magandang karagdagan equipment sa LPGHSTC’s COVID-19 Testing Laboratory.
Nauna nang nagbigay si Villar noong Hunyo ng unang set ng equipment para sa naturang laboratoryo. Kabilang dito ang passbox, biological freezer, biological refrigerator, autoclave sterilizer at ventilator.
Parehong gagamitin ng LPGHSTC Testing Laboratory ang kanilang Genexpert machine at ang bagong bigay na PCR machine para mapaigting ng ospital ang kapasidad nito sa pagproseso ng mas maraming COVID-19 tests.
“On behalf of all Las Piñeros, I am thankful to San Miguel, the PCR will be a big help in enhancing the responsiveness of Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center in dealing with COVID-19,” pahayag ni Villar sa isang statement
“As we all know, hospitals especially in Metro Manila are operating in full capacity as the number of cases increases, so they need all the help they can get,” dagdag pa nito.
Nagbigay din ang San Miguel Foundation ng Covid-19 testing booths at PCR Machines mga local government units (LGUs) upang makatulong na palakasin ang kanilang blood testing capacities.
Sinusuportahan ni Villar ang ospital simula pa noong kongresista pa ito ng Las Piñas. Siya ang may akda ng Republic Act 9240 noong 2004 para i-convert ang Las Piñas District Hospital sa LPGH & STC at dagdagan ang bed capacity nito sa 200 mula dating 50 lamang.
Kamakailan lamang ay naghain si Villar ng Senate Bill No. 143 para gawing 500 mula sa dating 200 ang bed capacity ng LGPH & STC at para mapaganda rin ang service facilities at professional healthcare services nito.
Inaprubahan na sa Senado ang naturang panukala. Ipinasa na rin sa Kamara noong March 2, 2020 ang counterpart measure nito na inakda ni Las Piñas Representative Camille Villar.
Naglaan din ang senador ng P500 milyon sa 2021 upang pondohan ang expansion ng LPGH & STC. Nakatakdang matapos ang konstruksyon ng karagdagang eight-storey building susunod na taon.
Ngayong taong ito, naglaan din ang senadora P144 milyon na gagamiting pambili ng lupa para masimulan ang konstruksyon ng hospital building.
Sa expansion ng LGPH & STC, magkakaroon ng hiwalay na pasilidad ang mga Covid-19 at non-Covid patients para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ang LPGH & STC ay DOH-operated hospital na nagsisilbi sa National Capital Region (NCR) at karatig na mga lalawigan
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA