PATULOY na pinalalakas ni Senator Cynthia Villar ang kapasidad at pagtugon ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center (LPGH & STC) sa Covid-19 pandemic.
Kamakailan lamang, nagbigay siya ng 5 unit ng hospital equipment sa LPGH & STC na tinanggap ni Dr. Rodrigo Hao, Medical Director. Kabilang dito ang passbox, biological freezer, biological refrigerator, autoclave sterilizer and ventilator.
“Now, more than ever, it is crucial for our local hospitals to have the necessary equipment and facilities to cope with COVID-19 cases on top of their regular patients. The ongoing pandemic is putting so much pressure on hospitals and frontliners, we need to support and equip them,” ayon kay Villar na sumusuporta sa ospital sa kanyang siyudad simula pa noong congresswoman siya.
Inakda niya ang Republic Act 9240 in 2004 na nag-convert sa noo’y Las Piñas District Hospital sa LPGH & STC. Dinagdagan nito ang bed capacity ng ospital mula 50 kama hanggang sa maging 200 kama.
Isinampa rin niya sa Senado ang Senate Bill No. 143 para muling madagdagan ang bed capacity ng LGPH & STC mula 200-500 kama at mas higit na mapabuti ang service facilities at professional healthcare services ospital.
Inaprubahan ng Senado ang naturang panukala. Naipasa rin sa House of Representative noong March 2, 2020 ang counterpart measure nito na inakda ni Las Piñas Representative Camille Villar.
Sa taong ito, naglaan ang senador ng PhP500 million para pondohan ang expansion ng LPGH & STC. Nakatakdang matapos sa susunod na taon ang konstruksyon ng karagdagang 8 palapag na gusali.
Noong nakaraang taon, naglaan din siya ng PhP144 million pambili ng lupa at sinimulan ang paggawa sa gusali ng ospital.
Ayon kay Villar, dahil sa expansion ng LGPH & STC, magkakaroon ng hiwalay na pasilidad para sa Covid-19 at non-Covid patients, tig-isa ng gusali, upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
“That would also ensure that regular healthcare services are not disrupted,” dagdag pa ng senador.
Ang LPGH & STC ay DOH-operated hospital na nagsisilbi sa National Capital Region (NCR) at karatig lalawigan.
“There is an urgent need to expand and upgrade public hospitals and health facilities in the midst of the Covid-19 pandemic that has increased the number of patients needing hospitalization. We have to be prepared,” sabi pa niya.
May 456 ospital sa buong bansa na may kabuuang bed capacity na 67,119. May 41% sa mga ito ang government-owned hospitals samantalang pribadong ospital ang 59% .(DANNY ECITO)
Tinanggap ni Dr.Rodrigo Hao ang isang unit na laboratory vintalator na makinabang ang buong Southern Metro at Cavite,isang unit ng autoclave sterilizer,biological refrigerator at passbox,biological freezer na magagamit
sa tamang storage at sample na bahagi sa 1.2M na donasyon ni Senator Cynthia A.Villar. (DANNY ECITO)
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI