Halos P10 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa magkakasunod na bagyo nitong nagdaang mga linggo kaya’t dapat tulungan ng gobyerno makabangon ang mga naapektuhang mga magsasaka, ayon kay Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Food and Agriculture.
Limang beses na nag-landfall ang bagyong Quinta sa Luzon noong Oktubre 26, partikular sa Southern Tagalog at Bicol Region, Regions VI at VII, NCR, Central Luzon, Cordilleras at Northern Luzon.
Ayon sa report, may kabuuang 115,181 pamilya o 501,289 katao ang apektado sa 2,255 barangay sa Regions III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII and VIII. May P4.6 biyong halaga agrikultura ang nasira.
Noong October 31, 2020 naman nanalasa ang super typhoon “Rolly” sa Catanduanes, buong Bicol region at Southern Luzon. Halos 100,000 bahay ang nawasak. Apektado rin ang suplay kuryente at tubig gayundin ang linya ng komunikasyon Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region at Cordillera Administrative Region (CAR).
Tinatayang aabot sa P2.9 bilyon ang pinsala sa agrikultura sa Bicol Region. Sinalanta nito ang mga pananim, livestock, fisheries at mga agricultural facility. May kabuuuang 44,712 ektaryang lupang sakahan ang nasira. Nagdeklara rin ng State of Calamity sa Cavite, Catanduanes at Camarines Sur dahil dito.
Noong November 1, 2020, nag-iwan naman ang bagyong Ulysses, ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas, ng mga patay at matinding pinsala dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha sa maraming lalawigan sa Luzon. Maraming mga kalsada ang hindi madaanan at malaking pinasala din ang naitala sa agrikultura.
Tinataya ng Department of Agriculture na aabot ang pinsala sa agrikultura sa P2.53 bilyon na nakaapekto sa kabuhayan ng 73,000 magsasaka. Hanggang ngayon, 71,000 ektaryang lupang sakahan ang lubog pa rin sa tubig.
“To date, based on initial estimates of the DA, the agricultural damage from typhoons Quinta, Rolly, Ulysses reaches P10 billion and even more and it would take time, and a huge infusion of capital to help our farmers recover from the onslaught of these calamities,” ayon kay Villar.
Iniulat ng Bureau of Customs na may sobrang P5 bilyong koleksiyon sa taripa sa bigas sa P10 bilyong nakolekta noong 2019 (P2.3-B) at Setyembre 2020 (P2.7-B).
Sabi ni Villar, Sa ilalim ng RA 11203 o Rice Tariffication Law, maaaring ilaan ang sobrang kolekisyon sa taripa sa pondo Department of Agriculture upang matulungan ang mga rice farmer.
Dahil sa sektor ng agrikultura at pagsasaka ng palay ang pinakamatinding tinamaan ng bagyo, iminungkahi ni Villar sa pamamagitan ng isang resolusyon na isama sa 2021 General Appropriations Act na ibigay ang sobrang nakolektang taripa sa bigas bilang tulong pinansiyal sa mga mga magsasakang naapektuhan ng nagdaang mga kalamidad.
Ang mga magsasakang na may sinasakang lupa na isang ektarya pababa ang maaring makakuha ng tulong na ito. “The only qualification is that, the farmer beneficiaries should be registered in the Registry System for Basis Sector in Agriculture, or the RSBSA to compensate for the loss of farm income and help them start anew,” sabi pa ni Villar.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA