Nagdebate sina Senator Cynthia Villar at Nancy Binay ukol sa polisyang nagbabawal sa mga senior citizen na lumabas ng kanilang bahay kahit na nakumpleto nila ang parehong doses ng coronavirus vaccine.
Sa pagdinig ng Senate economic affairs committee, kinuwestiyon ni Villar kung bakit pinipigilan ang mga nabakunahan nang mga matatanda na lumabas.
Ayon kay Villar, nabakunahan na naman aniya ang mga senior citizen kaya’t nararapat lang na payagan silang kumain sa labas.
“Vaccinated na sila. It’s ironical that you give priority to them then you will not allow them to go out. Baka naman maloko na ‘yon sa bahay,” sabi ni Villar.
Subalit giit ni Binay, hindi sila dapat payagang lumabas dahil sila pa ang magiging “superspreader” ng sakit kahit na nabakunahan na sila laban sa virus.
Paliwanag pa niya, inuna ang mga senior citizen na mabakunahan dahil sila ay vulnerable sa naturang sakit.
“Kaya sila yung pinapabakunahan, kasi sila po yung puwedeng mamatay when they get the virus. Yung mga senior citizen natin sila yung pwedeng mag-cause ng collapse ng health system natin kasi sila yung prone,” punto ni Binay.
Subalit sabi naman ni Villar, kapag nabakunahan na ang mga matatanda, tiyak na hindi na nila kailangang maospital.
“If you are vaccinated, the assurance of the vaccination is that you don’t have to go to the hospital. If at all, it should just be slight flu, but never death and never serious COVID illnesses,” ayon kay Villar.
“Hindi ko nga maintindihan na yung 65, anybody beyond 65, ‘di puwedeng lumabas kahit na vaccinated. Maliit na ang risk mo doon e. Flu lang, not death or serious COVID illness,” dagdag pa nito.
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA