December 23, 2024

Villar, kinilala ang Las Pinas- Zapote River bilang ‘life artery’ ng siyudad

UPANG ipagdiwang ang World Rivers Day, nagbigay pugay si Sen. Cynthia Villar sa Las Pinas-Zapote River na patuloy na nagsisilbing ‘life artery’ para sa mga  taga-Las Pinas at karatig siyudad. 

Ipinahayag ni Villar, chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, na ang rehabilitasyon ng Las Pinas-Zapote River ang naging daan sa pag-usbong ng social enterprises na nagbibigay ng pangkabuhayan sa mga  residente. 

“While we no longer have a river as pristine as in the 70’s, back in the time when the river is teeming with fish, the river continues to provide for the city through livelihood projects that sprung out of our project to rehabilitate the Las Pinas-Zapote River,” ayon kay Villar. 

Noong 2002, nang congresswoman pa si Villar, inilunsad niya ang Sagip Ilog project kung saan araw-araw na kinokolekta ang mga lumalangoy na basura sa ilog. Ito ay ginagawa pa hanggang sa ngayon. 

 Sakay ng bangkang yari sa PET bottles, nililinis ng mga manggagawa ang bawat isang kilometro ng ilog. Kinokolekta mula sa ilog ang water lilies na gingamit sa paglalala ng handicrafts.

Binibigyan ng Las Pinas Weaving Center ang mga kababaihan at maybahay na magkaroon ng kita.

Ang mga bunot ng niyog na itinatapon sa ilog ay ginagawang coco nets para sa slope protection at coco peat na ginagamit na panghalo sa organic fertilizer.

Dahil sa Sagip Ilog project, napanalunan nina Villar at ang kanyang asawang  si dating Senate President Manny Villar ang  United Nations “Best Practices Award” noong 2011. Kinilala sa award ang proyekto dahil sa pangangalaga nito sa water resources at pagbibigay ng pangkabuhayan sa mga Pilipino.

Ipinagdiriwang ang Las Piñas River Festival tuwing Pebrero upang gunitain ang anibersaryo ng pangalawa sa pinakamalaking digmaan noong Philippine-American War– ang 1897 Battle ng Zapote Bridge.

Kabilang sa mga aktibidades sa pagdiriwang ang drum and lyre competition na nilalahukan ng public elementary schools sa siyudad at fun run na tinaguriang “Takbo para sa Kalikasan.”

Sinimulan din ng senador ang konstruksyon ng Las Pinas River Drive, five-phased, 20-kilometer road project na layuning mabawasan ang trapiko at pagbaha sa Las Pinas tuwing  tag-ulan.

“Through this new road, we are certain of a shorter and a more convenient travel time for the people of Las Pinas and for all those who travel to and from our city. This road infrastructure development makes Las Pinas more attractive to investors,” ayon sa senador. 

Kabilang din ang resettlement ng informal settlers at paglilinis sa Las Pinas River sa paggawa ng kalsada na sinundan ang kurbada ng river bank.

“We hope that through our projects that transformed our once murky and dirty river to a useful water system, we are raising awareness on the need to better care for our water resources for it to continue to provide us with necessities of life,” sabi pa ni Villar. 

Ipinagdiriwang ang World Rivers Day tuwing ikaapat na Linggo ng September upang itampok  ang mga kalahagahan  ng ilog at itampok na pagbutihin ang pangangalaga sa mga ilog sa buong mundo.