January 23, 2025

Villar: Hindi kailangan ng Rice Competitiveness Enhanced Fund ang karagdagang pondo mula sa COVID-19

IPINALIWANAG ni Senator Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture, na ang Rice Tarrification Law na binuo sa ilalim ng batas, ay may P10-B budget kada taon mula sa ating national budget sa susunod pang 6 anim na taon

Aniya, hindi kailangan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang karagdagang pondo mula sa Covid 19 prevention. 

Ang karagdagang pondo na hinihingi ng Department of Agriculture ay para sa kanilang iba pang programa at hindi para sa RCEF.

Bukod sa RCEF, may hiwalay na programa ang DA –ang National Rice Program na may taunang P7B budget. Ito ay ginagamit ng DA na pambili ng fertilizer and hybrid seeds.

Naging epektibo noong March 2019 ang Rice Tariffication Law (RTL) o Republic Act 11203. Nilagdaan ito ni President Rodrigo Duterte noong February 2019. 

Sa ilalim ng batas, nagkaroon ng RCEF na sumisiguro sa P10 billion allocation kada taon o mas mataas pa na kukunin sa tariff na kinolekta ng Bureau of Customs.

Sa ilalim ng batas, tinitiyak sa 2019 2024 ang P10 billion pondo para sa mga sumusunod: P5 billion o 50 percent na pambili ng rice farm equipment – tillers, tractors, threshers, milling, transplanters, harvesters, irrigation pumps, at  drying facilities na ibibigay sa 947 o rice-producing towns na ipatutupad sa bansa ng PhilMech; P3 billion o 30 percent sa pagpapaunlad, promosyon, pamamahagi at produksyon ng inbred seeds ng PhilRice para sa rice farmers at seed growers sa  inbred rice seeds production at trade; P1 billion o 10 percent sa murang pautang na may 2 porsiyentong interes kada buwan  ipatutupad ng LandBank at Development Bank of the Philippines at 10 percent o P1 billion sa training programs na ipatutupad ng PhilMech, PhiRice Agricultural Training Institute at Tesda para sa teaching skills sa production ng inbred seeds ng mga magsasaka, modern rice farming techniques, farm mechanization, knowledge at  technology transfer sa farm schools sa buong kapuluan.

Sa ilalim ng batas, sisimulan ng RCEF ang mga programang naglalayong matulungan ang mga lokal na magsasaka na makipagkumpetensiya para mapababa   mula P12per kg -P7per kg ang produkyon ng bigas. 

“This cheaper supply of rice from our own rice farmer helps lower rice prices for Filipino consumers.” Tinututukan ng batas ang rice farmers, cooperatives, at  associations. Naglalaan din ito ng tariff revenues bukod sa Php10 billion sa Rice Farmer Financial Assistance program upang ibigay sa rice farmers namawawala ng kita dahil sa batas.  Ilalaan ang bahagi ng excess tariff sa pagtitittulo sa sa rice lands, expanded crop insurance at crop diversification program.(