PERSONAL na tinanggap ni Sen. Cynthia A. Villar ang medical protective materials at mga gamot mula sa Philippine Fujian General Youth Association, Inc., sa pangunguna ng pangulo nitong si James Go, sa isang simpleng turn-over ceremony. Kabilang sa mga donasyon ang face shields at face masks at mga gamot. Ipamamahagi ni Villar ang mga donasyon sa LGUs, frontliners at mga tao sa komunidad bilang suporta sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19. Pinasalamatan ng senador na nangunguna sa pagsisikap ng Villar SIPAG na mabawasan ang paghihirap ng tao bunga ng pandemya. ang grupo dahil sa kanilang tulong na labanan ang coronavirus. (DANNY ECITO/Photo Courtesy CAV Office)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA