December 25, 2024

Villar Farm Schools, tumutulong sa paghubog sa modern Filipino farmers

SA kasalukuyan, may 2,367 accredited farm schools sa buong bansa na nagsisilbing ‘learning sites’ sa mga magsasaka at mahihilig sa halaman na binibigyam ng libreng pagsasanay sa makabagong  pagsasaka. 

Kabilang sa mga ito ang apat na farm schools na pinatatakbo ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG). 

Suportado ni Sen. Cynthia Villar, malugod na tinatqnggap ng Villar SIPAG Farm Schools ang libo-libong trainees. Itinataguyod nito ang daan-daang libreng training sessions sa agriculture-related courses. Nagbibigay din ang ibang pang farm schools sa bansa ng training courses na suportado ng Agricultural Training Institute (ATI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Our farm schools have a special role in our objectives make our farmers and fisherfolk competitive and profitable through training programs that will help them produce more and earn more with the help of modern technology,” ayon kay Villar. 

Nagbukas noong 2015 ang unang Villar SIPAG Farm School. Matatagpuan ito sa apat na ektaryang lote sa boundary ng Las Piñas City at Bacoor City, katabi ng Molino Dam.

Binuksan ang pangalawang farm school noong October 2016 na nasa apat na ektaryang lupa sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang dalawang farm schools ay may training areas, dormitories, farm houses at kitchen areas.  Tampok din dito ang vermi- composting facilities, kitchen waste composting facilities, greenhouse, mga espasyo para sa livestock production at aquaculture at cacao plantation sa ilalim ng mga puno ng niyog.

Bago ang pandemya, nagsagawa ng training program sa Agri-Crops Production sa dalawang farm schools tatlong beses kada taon. May 12 sesyon ang 3-month course at may 200 kalahok bawat batch. Nagkaroon ng simpleng graduation rites at harvest festival sa bawat pagtatapos ng programa.

Sa pakikipagpartner sa East West Seeds Foundation para maisagawa ang programa, patuloy ang agri-crops training program sa new normal na may mga pagbabago  alinsunod sa kailangang health protocols. 

Sa ngayon, mayroon lamang itong 20 kalahok  na pawang mga bata. Hindi muna pinapayagan ang mga matatanda at may health issues na lumahok sa programa. 

Nakalaan ang Las Pinas Farm school sa mga magsasaka mula sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at Bicol Region samantalang ang Bulacan Farm ay para sa mga magsasaka sa Northern and Central Luzon at Cordillera Autonomous Region.

Nagpatayo rin si Villar ng farm schools sa San Miguel, Iloilo at Davao para sa mga magsasaka sa Visayas at Mindanao.

Nagbukas ang Iloilo farm school noong January ngayong taon. May programa itong  Training of Trainers on Production of High-Quality Inbred Rice Seeds at  Farm Mechanization. May 30 trainees ito na mga magsasaka mula sa Iloilo, Capiz, Negros, Aklan, at  Antique.

Ang farm school ay para sa pagsasanay ng trainers sa bagong farming technology kung saan inaasahang babalik sa kanilang mga bayan ang mga nagsipagtapos. 

Nagbibigay ang Villar SIPAG Farm Schools ng libreng training opportunities sa mga magsasaka sa pakikipag-ugnayan sa  iba pang ahensiya gaya ng  Farm Business School kasama ang ATI; Rice Seeds Production and Mechanization kasama ang  PhilRice at PhilMech; Aquaculture Production kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources; Livestock Production kasama ang  Bureau of Animal Industry; at cacao production intercropping with coconut kasama ang  Philippine Coconut Authority.

Iniuugnay ang paglago ng farm schools sa buong bansa sa dalawang legislation na principal author si Villar — ang Republic Act 10816 o Farm Tourism Development Act of 2016, na humihikayat na gawing tourist farms at learning sites ang mga bukid at ang Republic Act 11203 o ang batas sa P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund na kumikilala sa special role ng farm schools bulang venues ng extension services program.

Kamakailan lamang, iponalabas ni Villar 5th edition ng “Directory of Farm Schools, Tourist Farms and Learning Sites in the Philippines,” na nagtala sa 2,367 sa lahat ng 17 rehiyon sa bansa. Nakapaloob sa first edition ng aklat ang 386 farms.(DANNY ECITO)