

Dinaluhan ni Senadora Cynthia Villar ang Coastal Clean-Up Drive at Environmental Awareness Seminar ng Philippine Naval Forces (Reserve) – National Capital Region at ng Association of CPAs for Sustainability Inc. (ACPAFSI) sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) nitong Sabado, Marso 8. Hinikayat ng senadora ang mga dumalo na magtulungan at gawin ang kanilang bahagi upang makamit ang ating layunin na iligtas ang Pilipinas mula sa kalunos-lunos na kalagayan nito bilang isa sa pinakamalaking nagdudulot ng polusyon sa dagat sa buong mundo. Ang LPPWP ay isang nasasakupan na itinakda ng batas at idineklara bilang Wetland of International Importance alinsunod sa International Convention for the Conservation of Wetlands o Ramsar. (DANNY BACOLOD)
More Stories
PHILPOST, BSP INI-EXHIBIT PINAKAMALAKING STAMP COLLECTION
Kelot na may bitbit na baril sa Caloocan, timbog
Lolo, kulong sa sexual assault