November 23, 2024

Villar: Coconut waste puwedeng pagkakakitaan

Matagal nang kinukonsidera ang puno ng niyon bilang “Tree of Life” dahil ang lahat ng bahagi nito ay kapaki-pakinabang sa buhay ng tao.

Ang coconut fruit ay ginagawang pagkain, ang juice naman ay mas mainam kesa tubig dahil sa sustansiyang dulot nito. Ang dahon at katawan naman nito sa paggawa ng bahay.

Kahit nga ang coconut waste, tulad ng bunot nito ay pinakikinabangan din ng tao.

Kaya naman sa pamamagitan ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance of VSIPAG, naisip ni Senadora Cynthia Villar na gawing pangkabuhayan at pinagkakakitaan ang coconut wastes bukod sa nakakatulong din ito sa waste management efforts ng bansa.

“There are two-fold benefits in turning waste coconut husks into something useful, we got rid of garbage that used to litter our streets and clog our rivers and waterways,” ayon kay Villar, chairperson ng Senate Committees on Agriculture at Environment.

“Secondly, we helped residents by providing them with livelihood and additional source of income. It’s a win-win for people and the environment,” dagdag pa nito.

Ginagawa ng Villar SIPAG coconet weaving enterprises ang waste coconut husks bilang coconets na ginagamit na riprap sa mga construction project para mapigilan ang pagguho ng lupa. Binibili ito ng Vista Land ang coconets para sa kanilang housing subdivisions.

Kumukuha ang mga manggagawa ng fiber at coco peat mula sa bunot ng niyog gamit ang decorticating machine. Nakakukuha ito ng fiber mula sa 8,000 bunot ng niyog.

Isinasama naman para gumawa ng organic fertilizers ang  coco peat o dusts sa household wastes. Ibinibigay ng libre ang pataba sa mga magsasaka at urban gardeners. 

Pinagkakakitain din ito ng mga  gumagawa ng coconets at organic fertilizers.

“One of my learnings as a social entrepreneur is that we really have to put a income component in our projects for them to be successful or sustainable. Otherwise, people will be hesitant or half-hearted to participate,” sabi ni Villar.

Ayon sa senador, ipinakikita ng kanilang  coco wastes project kung papaano mapabubuti ng technological innovation ang buhay ng tao.

Sa coconet-weaving, naging daan ang decorticating machine na inimbento ni Dr. Justino Arboleda para sa produksiyon ng coconets mula sa waste coconut husks.

“Dr. Arboleda’s invention has won awards. It is a good example of how a simple invention is now the source of livelihood of many families and has helped many cities get rid of wastes cause floods and pollute rivers and waterways,” ayon pa kay Villar.

Ang madalas na pagbaha sa kanyang home city ng Las Piñas ang naging dahilan para matuklasan ang papel ng coco wastes sa problemang ito.

Sa kanilang pagsusuri, sinabi ni Villar na nadiskubre nilang ang bunot ng niyog  na itinatapon ng mga buko vendor ang isa sa mga nagdudulot ng pagbaha sa Las Pinas. 

“Las Piñas River has become a big dumping area of waste coconut husks, which caused the clogging of the riverways. So we thought of controlling the wastes with the people’s cooperation. We designated areas where coconut vendors can bring or deposit waste coconut husks. Then we turned those as raw materials for coconet weaving enterprise that we put up,” sabi pa ng senadora.

Suportado rin ng coconet enterprises ang mga magsasaka sa buong kapuluan dahil hindi na nila kailangang bumili pa ng pataba. Pinaiigting din ang organic agriculture sa bansa.

‘Organic Agriculture Month’ ang buwan ng November sa bisa ng Proclamation No. 1030 kung saan kinikilala ang organic farming na epektibong sandata sa pag-unlad, environmental conservation at proteksiyon ng kalusugan ng mga magsasaka at konsyumer.

Aktibong tagapagtaguyod si Villar ng organic agriculture. Naipasa ng Senado noong Hunyo 1 ang Organic Agriculture Bill.

Bilang environmentalist at social entrepreneur, patuloy na naghahanap si Villar na paraan na makapagbigay ng pangkabuhayan sa mga Pilipino habang pinangangalagaan ang kapaligiran.

Bukod sa waste coconut husks, ginagamit din sa ibang livelihood projects ni Villar ang mga basura. Ang mga ito ay ang water hyacinths para sa waterlily handicraft-weaving enterprise at handmade paper factory; kitchen at garden wastes sa organic fertilizer composting facility; at plastic wastes sa waste plastic recycling factory na school chairs. Nakapagpatayo rin ang senadora ng mahigit 3,000 proyektong pangkabuhayan sa buong bansa.

Naniniwala si Villar na ang malaking partisipasyon ng pribadong sektor at publiko sa pag-unlad ng waste management programs. 

Ang kanyang mga proyekto ay pinapatupad ng Villar SIPAG sa pakikipagsosyo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyrero, mga grupo ng pribadong sektor at kumpanga.

Nakapagtayo rin ang Villar SIPAG ng barangay-based livelihood enterprise na siyang modelo ng tamang waste management at magandang halimbawa kung paano magiging kapaki-pakinabang ang mga basura.