Dinakip ng mga awtoridad ang isang 44-anyos na Vietnamese national matapos tutukan ng baril at pagbantaan papatayin ang may-ari ng inuupahan niyang apartment sa Navotas City.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Hidalgo, si Van Kinh, vendor at residente ng 37 Apartment D, Bagong Barrio St. Brgy. San Jose ay dinakip ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon sa kanyang inuupahang apartment dakong alas-12:15 ng tanghali.
Ani DSOU head P/Lt. Col. Jay Dimaandal, naaktuhan ang suspek na hawak ang isang baril na nakasukbit sa kanyang baywang na naging dahilan upang agad siyang sinunggaban ng mga operatiba bago pa man niya naitutok sa mga pulis.
Narekober ng mga operatiba sa suspek ang isang gun replica na may isang improvised imitated magazine na kargado ng 10 pellet na bala.
Lumabas sa imbestigasyon, dakong alas-10:50 ng umaga, habang si Victorino Bonzon, 49, negosyante at may-ari ng apartment na inuupahan ni Van kinh ay inaayos ang sub-meter ng kuryente nang biglang lumapit ang suspek saka itinutok ang baril sa biktima at sinigawan nito na ayusin umano ang paggawa sa sub-meter dahil malaki ang kanyang binabayaran sa kuryente.
Pinagbantaan din ng suspek ang biktima na papatayin na naging dahilan upang humingi si Bonzon ng tulong kay Lt. Col. Dimaandal na agad namang inatasan si Lt. Pabon na rumesponde sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa dayuhan.
Sinabi ni P/BGen. Hidalgo, ipinisinta ang suspek sa inquest proceedings sa Navotas City Prosecutor’s Office para sa kasong Grave Threat at Section 35 o R.A. 10591 o the Use of an Imitation Firearm.
More Stories
VIETNAMESE NA NAGPAPANGGAP NA BEAUTY DOCTOR KALABOSO
Nilinaw ng DOF ang pagtukoy sa bahagi ng National Tax Allotment para sa LGUs
REMMITANCE NG PDIC SA GOBYERNO SUMUSUPORTA SA NATIONAL DEVELOPMENT