January 23, 2025

Videoke at malakas na tugtugan bawal na rin sa Valenzuela

IPINAGBABAWAL na rin ang pagpapatugtog ng malakas at pagbirit ng awit sa videoke sa Valenzuela City.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ang nasabing hakbang ay para matutukan ng mga estudyante ang kanilang mga online classes.

Ang kaganapang ito ay matapos na ipasa ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 800 na nag-aamyenda sa Videoke and Other Devices of Similar Nature Regulatory Ordinance.

Sa  bagong ordinansa, ang pagbirit sa videoke at pagpapatugtog ng malakas na musika ay ipinagbabawal mula 6 a.m. hanggang 5 p.m. Lunes hanggang Biyernes maliban kung holiday, sa lahat ng residential areas.

Mula naman 10 pm hanggang 6 am ay bawal ang mga nasabing aktibidad buong linggo.