Mahalaga para kay Pasig City Mayor Vico Sotto na malaman ng tao ang COVID-vaccine na mayroon sila.
Naniniwala kasi ang naturang alkalde na ang transparency ang susi upang maibsan ang kawalan ng tiwala sa bakuna.
Upang maiwasan ang “choosiness” kaugnay sa brand ng bakuna, inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang local government units na huwag ipaalam kung anong bakuna mayroon sila hangga’t hindi dumadating ang magpapabakuna sa immunization centers.
Pero ayon kay Sotto, para makumbinsi ang mga tao, dapat ipaliwanag mabuti kung anong bakuna mayroon sila, hindi mahalaga kung anong tatak ng bakuna.
“For me, as a transparency advocate, a good governance advocate.. it’s important that we let people know, or try to convince them, na kahit anong brand, basta meron, kesa wala,” paliwanag niya.
“We have to use what’s available. If the people understand that na pare-pareho naman ‘yan 100% sa severe, hindi ka mamatay kapag nabakunahan ka na, kahit magka-covid ka,” dagdag niya.
“Kahit nga 50% less chance that you’ll get COVID, hindi ba malaking bagay na yun?Ta’s 100% chance, di ka mamamatay, most likely hindi ka mao-ospital. I think it’s a matter of how we frame and communicate it,” sambit pa nito,
Para matugunan ang isyu sa vaccine hesitancy, hinimok ng Pasig Mayor ang mga eksperto na tumulong para madaling maipaliwanag at maintidihan ng mga residente ang benepisyo ng vaccination.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON