
PASIG — Tila hindi na matitinag si Mayor Vico Sotto sa Pasig matapos siyang makakuha ng 390,029 boto sa partial at unofficial count ng Commission on Elections (Comelec) Transparency Server nitong Lunes ng gabi, Mayo 12.
Batay sa 10:18 p.m. update, si Sotto ay may napakalaking kalamangan laban sa pinakamalapit na kalaban na si Sarah Discaya, na may 32,083 boto lamang. Samantala, sina Cory Palma at Eagle Ayaon ay nakakuha ng tig-337 at 335 boto.
Sa isang ambush interview matapos bumoto sa Vella Verde 5, sinabi ni Mayor Sotto na handa na siyang bumalik sa serbisyo kung siya’y palaring manalo.
“Marami pa tayong kailangang gawin,” ani Sotto. “Isa sa pinakamahalaga ay ang pag-institutionalize ng mga reporma. Kailangan long-term ang mga ito.”
Giit ng alkalde, hindi lang dapat umiikot ang pagbabago sa isang personalidad o politiko.
“Ang mga pagbabagong ginagawa natin ay kailangang maipamana sa susunod na henerasyon, upang mas madali para sa mga susunod na lider na gawin ang tama at mas mahirap para sa kanila na magnakaw o maging tiwali,” dagdag ni Sotto.
Kung mananatiling ganito ang trend sa bilangan, masisiguro ni Mayor Vico ang isa pang termino upang ipagpatuloy ang kanyang “good governance” advocacy, na nagsimula pa noong 2019 nang una siyang manalo kontra sa mahigit tatlong dekadang pamumuno ng mga tradisyunal na pulitiko sa lungsod.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC
2 BLACKLISTED CHINESE NATIONALS, NAHULI SA BACKDOOR EXIT SA TAWI-TAWI