Inanunsiyo ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na hindi na siya hihingi ng confidential fund.
Ayon sa pinalabas na statement ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, nagkakawatak-watak ang mga mamamayan dahil sa usapin ng confidential fund.
Bilang Bise Presidente aniya, siya ay nanumpa sa tungkulin na pananatilihin mapayapa at matatag ang Bansa
Ipinaliwanag na rin ng Bise Presidente na nagpapanukala lamang ng pondo ang OVP upang suportahan ang ligtas na implementasyon ng mga programa at proyekto na mag-aangat at magsusulong sa kapakanan ng bawat Filipino.
“The OVP can only propose a budget to support the safe implementation of our programs, acitvities and projects to alleviate and promote the general welfare of every Filipino. Nonetheless, we will no longer pursue confidential funds? Why? Because the issue is divisive and as the Vice President, I swore an oath to keep the country peaceful and strong,” ayon sa Bise Presidente.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI