September 15, 2024

VICE GANDA, BYE BYE MUNA SA SLAPSTICK COMEDIES MAGSESERYOSO NA MUNA RAW

GAGAWA raw ng pelikula ngayong taong 2024 itong si Vice Ganda, at ang drama niya ay bye bye muna siya sa pagpapatawa.

Ang tanong ngayon ay kung matatanggap ba siya sa bago niyang image na gagawin, dahil mas tanggap siya ng mga tao kung sa pagpapatawa siya magbibigay ng kasiyahan .

Kung magbalahura nga siya wagas, pero kahit kasuklamsuklam iyon sa iba at nakakasakit na ay tanggap pa rin iyong kanyang ginagawang pagpapatawa.

“Gusto na rin ho ni Vice Ganda na gumawa ng isang seryosong pelikula, kung saan ay mapapatunayan din niyang kaya din pala niyang magseryoso para mapatunayan niyang isa siyang actor.

“Isang experimental movie ang kanilang gagawin ni director Jun Lana, ngunit mismong si Vice ay hindi niya alam kung matatanggap siya ng publiko sa seryosong role.

“Bye bye muna siya sa slapstick comedies, magdadrama muna si Vice Ganda sana lang tanggapin daw siya sa bago niyang image na papangatawanan muna niya,” doubt na kwento ng aking source.