Nakatakdang pumalaot sa ibang team sa PBA si Alaska big man Vic Manuel. Aniya, gusto niyang maglaro sa San Miguel Beermen, NLEX at sa Phoenix Super LPG.
Ang nasabing team ang malamang na maging destinasyon ni Manuel sa susunod na season.
Inihayag ni Manuel na nais na niyang umalis sa Alaska via trade. Inamin din nito na fan siya ng San Miguel noong teenager.
“San Miguel talaga favorite kong team. Talagang sinusuportahan ko talaga si Coach Danny, kay Dondon.”
“Nakwento ko pa yan sa kanila at masaya ako na nagpang-abot pa kami sa Alaska,” sabi Manuel.
Ang mga hinangaan niyang players noon sa SMB ay pawang naging coaches niya. Kagaya ni Danny Ildefonso at Dondon Hontiveros.
Gusto rin nitong mapunta sa NLEX pang makasama si coach Yeng Guiao. Umaasa siya noon na makapaglaro sa Rain or Shine noong hawak pa ito ni coach Yeng.
“Parang gusto ko mapunta sa Rain or Shine nun, kasi gusto ko maging coach si Coach Yeng.”
“Kasi parang pagdating ko sa PBA, yung laro ko talaga hijndi ko maipakita. Nung college ako, halos gwardiya laro ko so parang na-miss ko rin maglaro ng outside, pick-and-roll.”
“Yun ang gusto mapakita sa PBA, yung kaya ko maglaro ng ganito-ganyan,” ani Manuel.
Kaibigan niya si Calvin Abueva at si assistant coach Topex Robinson noon si Alaska. Ang dalawa ngayon ay nasa Phoenix na.
“Yung unang team ko sa D-League, si Coach Topex ang unang kumuha sa akin.”
“At siyempre nandiyan yung kaibigan ko si Calvin. Alam mo naman kung ganu kami ka-close yan. Parang kapatid ko na yan,” dagdag pa nito.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2