Bilang paghahanda sa muling pagbabalik ng NBA, kung saan kasama ang Brooklyn Nets sa 22-team restart sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Orland; nagdagdag ng player ang Brooklyn Nets upang magarantiya ang pagpasok nito sa 8 teams sa Eastern Conference na sasabak sa playoffs.
Kaya naman, nilambat ng Nets serbisyo ng 40-anyos na veteran guard na si Jamal Crawford. Kaya naman, maglalaro si Crawford sa kanyang ika-20 season sa NBA sa siyam na team.
Si Crawford ay naging three-time NBA Sixth Man of the Year na huling naglaro sa Phoenix Suns noong 2018-2019 season. Mayroon siyang average na 14.6 points sa 1,326 career games at ranken no. 8 sa pagbuslo ng 2,200 sa three-point all-time leaders.
Unang naglaro si Crawford sa Chicago Bulls (2000-04), New York Knicks (2004-08), Golden State Warriors (2008-09), Atlanta Hawks (2009-11), Portland Trail Blazers (2011-12), Los Angeles Clippers (2012-17), Minnesota Timberwolves (2017-18) at Phoenix Suns (2018-2019).
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!