Opisyal nang pinalagda ng Kansas City Royals sa kanilang team si veteran free agent right hander Matt Harvey.
Ayon sa ulat ni Jon Heyman ng Major League Baseball (MLB), sasalang ang 31-anyos na si Heyman sa minor league pact. Kaya naman, nadagdag si Harvey 60-man player ng Royals pool bago ito rumekta sa alternate training site ng team.
Noong nakaraang season ng MLB, masama ang naging laro ni Harvey sa Los Angeles Angels. Nagtala lamang ito ng 7.09 ERA, kasunod ng impresibong stint sa Cincinnati Reds.
Muling nagniningning ang baseball career ni Harvey sa Reds bago naging free agent noong nakaraang season. Si Harvey ay dati ring All-Star ng MLB noong 2013 sa New York Mets.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT