Pansamatalang isinara ang Zapote Public Market mula Agosto 11 hanggang 18, 2020 para sa disinfectiion. Ito’y matapos magpositibo ang ilang vendors at market marshal ng naturang palengke. (kuha ni NORMAN ARAGA)
ISINAILAIM sa isang linggong lockdown ang Bacoor City Public Market o mas kilala bilang Zapote Market matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 ang ilang vendor at marshal nang magsagawa ng mass testing ang pamahalaang lungsod.
“Ang Bacoor City Public Market o mas kilala sa tawag na Zapote Market ay pansamantalang isasara simula bukas August 11 hanggang August 18 matapos na malaman ng Pamahalaang Lungsod na mayroong mga manininda at security marshalls ang nag-positibo sa ginawang mass testing noong August 7,” wika ng city government ng Bacoor sa kanilang Facebook post noong Lunes ng gabi.
Nanawagan din ang Bacoor LGU sa nga nagpunta sa nasabing pamilihan noong Agosto 5 hanggang 10 na pakiramdaman ang kondisyon ng kanilang kalusugan at agad na sumangguni sa barangay health emergency response team kung nakikitaan na may sintomas sila ng COVID-19.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE