
RODRIGUEZ, RIZAL — Sugatan ang isang vendor matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa madilim na bahagi ng Joville 3 Village, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, bandang alas-12:30 ng madaling araw noong Hunyo 13, 2025.
Ayon sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, habang nasa loob ng kanyang bahay si alyas Kevin, 40, ay nakarinig siya ng pambabato sa labas.
Nang tingnan niya ang CCTV camera, napansin niyang nasira ito at may mga kabataan na naglalakad palayo. Sinundan niya ang mga ito ngunit sa madilim na bahagi ng lugar, nilapitan siya ng dalawang armado at pinaputukan.
Tinamaan si Kevin ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na dinala sa Ynares Casimiro Ynares Hospital sa Burgos, Rodriguez para sa agarang lunas.
Narekober sa crime scene ang dalawang fired cartridge case na kalibre 9mm. Agad nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya para sa posibleng pag-aresto sa mga suspek.
More Stories
SMB, Ginebra, at ROS Nag-aagawan ng Pwesto; Converge Nakapila na Lang
₱110-M Halaga ng Delikadong Baterya, Sinira ng DTI
Green Energy Auction-4: Bid Registration Sisimulan sa Hunyo 16