
ARESTADO ang 31-anyos na vendor na armado ng baril habang nakikipagtalo sa isa pang lalaki Sabado ng gabi sa Caloocan City.
Sa ulat ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGEN. Josefino Ligan, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 nang mapansin ang pagtatalo ng dalawang lalaki, dakong alas-11:50 ng gabi sa Pinagbuklod, Sto. Niño, Brgy. 178, habang armado ng baril ang isa.
Nang lumapit ang mga pulis upang umawat, nakatakbong palayo ang isa, habang nadakip naman ang vendor na may hawak na hindi lisensiyadong kalibre .38 revolver na may kargang isang bala.
Bukod sa nakumpiskang revolver, nakuha rin ng mga pulis sa suspek, na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act at BP 881 o ang Comelec gun ban, ang isang replica ng kalibre .45 pistola.
“This successful intervention highlights the vigilance of our personnel on the ground. Their proactive actions are crucial to ensuring the safety and security of our communities,” pahayag ni BGEN. Ligan.
More Stories
EX-PCSO CHIEF GARMA HUMINGI NG ASYLUM SA US
Rizal House bet JB Pallasigue kinilala kahalagahan ng mga nanay
‘Assassination’ scripted? ESPINOSA RUMESBAK KAY RICHARD GOMEZ: HINAY-HINAY SA PANGHUHUSGA