January 11, 2025

VCDRRMO nasungkit ang 22nd Gawad KALASAG’s Seal of Excellence

NAKAKUHA ang Valenzuela City ng “Fully Compliant” rating mula sa Gawad KALASAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC’s) matapos masungkit ang Seal of Excellence para sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office and Council (VCDRRMO) sa ginanap na Gawad KALASAG National Awarding Ceremony sa The Manila Hotel.

Ang parangal ay tinanggap ni VCDRRMO head Dr. Arnaldo Antonio sa ngalan ni Mayor WES Gatchalian at ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.

Ang Gawad KALASAG or “Kalamidad at Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan” na itinatag noong 1998 ay isa sa mga prestihiyosong parangal ng bansa sa disaster risk reduction and management, humanitarian assistance at disaster preparedness.

Nakakuha ang Valenzuela City ng score na 1.92 sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs) category na nakakuha ng Fully Compliant Seal of Excellence para sa pagsunod sa mga pamantayan at functionality ng LDRRMCOs na itinakda ng Republic Act 10121 (RA10121) o ang Philippine Disaster Risk Reduction Act of 2012.

Ang namumukod-tanging pagganap ng Lungsod sa pagpapanatili ng sistema at pagpapatakbo ng mga pasilidad sa lungsod ay nakatulong sa mga rescue personnel na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa oras ng kalamidad nang hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan at ang kanilang mga kliyente.

Ang Valenzuela City sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ay isa sa 436 Local Government Units (LGUs) sa bansa na nakakuha ng Fully Compliant Seal of Excellence, at kabilang sa labintatlong lungsod sa Metro Manila.

“Dati po hanggang signal number three lang ang bagyo natin, ngayon hanggang signal number five na, these are the kinds of problems that we face now, and you are very important dahil kayo ang haharap sa oras ng mga kalamidad. Because of your efforts, ngayon pag sinabi niyong mag evacuate na, nag-eevacuate na ang mga tao, and for that, I congratulate you all, dahil napakalaking bagay na po niyan. The first step in solving a problem is to acknowledge that there is a problem.” pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.