December 19, 2024

Vargas, nahalal na pangulo.. BUHAIN ANG SECGEN NG PSI!

Ang mga bagong halal na opisyal ng PSI

NAIHALAL bilang bagong pangulo ng Philippine Swimming, Inc. (PSI) ang long-time swimming patron na si Michael ‘Miko’ Vargas sa ginanap na National Congress and Election nitong Huwebes sa East Ocean Restaurant sa Paranaque City.

Nagkaisa ang 11-man Board of Trustees na mailuklok ang 43-anyos na si Vargas, ikalawa sa tatlong anak ni dating POC president at Boxing Association chief Ricky Vargas, na pangunahan ang asosasyon sa ‘transition year’ bago ang regular election sa 2025.

“I’m very happy and proud at binigyan ninyo ako ng pagkakataon na magong head ng swimming association. Of course, nagpapasalamat ako kay Cong. Eric Buhain na siya naman talagang magiging puso ng asosasyon. Ako po ang head, dahil mas pinili ni Cong. Eric na magsilbi sa ating lahat, mapalapit sa lahat ng stakeholders para sa ikauunland  ng swimming,” pahayag ni Vargas, dating Customs collector and patron ng swimming program ng Congress of Philippine Aquatics, Inc (COPA) na pinamumunuan ni Buhain.

Ang two-time Olympian at swimming legend ay nahalal bilang Secretary-General, habang nakuha ni Jessie Arriola, kinatawan ng Visayas region, ang posisyon na Vice President at ang diving coach na si Marie Dimanche ang nahalal na Treasurer.

Nanumpa ang bagong Executive Board kay POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, sa presensiya ng World Aquatics Electoral Board na sina Atty. Edwin Gastanes (Chairman), POC legal counsel Atty. Wharton Chan, Atty. Marcus Andaya, Atty. Avelino Sumangui (members) at World Aquatics representative Ms.Mae Chen ng Malaysia.

“Naisakatuparan po natin yung matagal na nating inaasam na inclusivity, ito po ang tunay na essence ng ating election. Tagumpay po natin ito at nawa’y makuha natin ang tunay na pagkakaisa para sa Philippine swimming,” sambit ni Buhain.

“Ang atin pong pangulo na si Miko Vargas ay matagal nang silent supporter ng sports, higit sa swimming. Sa naging development at nagkaroon tayo ng election kinausap ko na siya na lumabas at magpakilala dahil naniniwala ako na malaki ang maututulong niya sa ating sports,” aniya.

Bago naganap ang halalan, isinagawa muna ang eleksyon para mapili ang 11-man Board of Trustees mula sa 19 na regional representatives na nahalal sa isinagawang serye ng Zoom meeting at election sa lahat ng rehiyon, kasama ang National Capital region at sebbctoral sports na binubuo ng diving, water polo, open water swimming at artistic swimming.

Nahalal na miyembro ng BoT sina Vargas at Olympian Jessie lacuna (Area 1); Isagani Corpuz at Emmanuel Manialung (Area 2), Buhain at Roel Rosales (Area 3), Cris Bancal at jessie Arriola (Area 4), Ronald Talosig at Angelica Leonardo (Area 5) at Marie Dimanche (sectoral).

“We like to inform everybody that this new set of officers will serve only for two years or we call it the transition year. Then, after maayos na nila ang lahat, they will conduct their regular election in 2025 with the POC as observer,” sambit ni Atty. Wharton Chan. “nabawasan na ang problema natin. We’re very, happy, very democratic lahat dumaan sa proseso , very well represented talagang nakita natin yung essence of inclusivity,” pahayag naman ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.