Inaabangan ngayon ang magiging performance ni Filipino weightlifter Vanessa Sarno.
Ayon kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, isa lamang kasi si Vanessa sa mga inaasahan pa ng bansa na makakauwi ng medalya.
Ito’y matapos na malaglag si EJ Obiena at Pinay weightlifter Elreen Ando tungo sa medalya.
Si Ando ay nagtapos sa pang-anim na puwesto sa women’s weightlifting 59kg. event, kung saan ay umabot pa ito sa dalawang attempt bago ang matagumpay nitong pagbuhat sa 100 kg sa snatch at bigo sa kaniyang ikatlong attempt naman sa 102 kgs.
Ayon kay Valdez, isa naman sa nakikita nitong dahilan ay ang mga nakukuhang injury ng mga manlalaro kung kaya’t sana’y bagama’t bigo ang mga itong makapag-uwi ng medalya ay ipakita pa rin ng mga Pilipino ang kanilang buong suporta dahil na rin sa mga ipinakitang dedikasyon ng mga players.
Binigyang diin naman nito na sana ang nangyaring 2024 Paris Olympics ay magsilbing aral sa pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang sports sa bansa, hindi lang tungo sa makikipaglahok sa mga malalaking patimpalak bagkus ay para na rin sa mga physical health nito.
Napapansin kasi aniya na mistulang ang mag basketball lamang ang mga nabibigyang prayoridad na sports sa bansa at mukhang hindi nabibigyan ng pansin ang mga iba pang larangan gaya na lamang ng track and field, gymnastics, golf, ballet at iba pa. (RON TOLENTINO)
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR