Bumida si teen weightlifter Vanessa Sarno sa pagbuhat sa 2020 Asian Weightlifting Championships sa Uzbekistan. Nagtapos ang 17-anyos na Boholano teen na kampeon sa 71-kilogram division.
Nabuhat ni Sarno ang 124 kg sa kanyang second attempt sa clean and jerk. Dahil dito, naungusan niya si Gulnabat Kadyrova ng Turkmenistan na bumuhat ng 121 kg.
Sinubukan ni Kadyrova na bumuhat ng 124 sa kanyang last lift. Ngunit, nabigong i-set ang 223 kg total. Nagtapos si Kadyrova sa silver at napasa Filipina weightlifter ang gold medal finish.
Nagtala ang solid performance si Sarno sa buong kompetisyon. Nabuhat nito ang 128 kg para itala ang 229 kg finish.
Dahil dito, nakasaungkit siya ng 2 golds sa clean and jerk at sa overall rank.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo