Maglulunsad si Vanessa Bryant ng isang clothing line alinsunod sa monicker ng kanyang yumaong mister na si Kobe. Ito ay ang ‘Mambacita’ clothing line.
Inanunsyo ni Vanessa ang tungkol sa kanyang plano sa kanyang Instagram account.
Ilulunsad ang nasabing brand sa ika-15th birthday ng kanyang anak na si Gianna. Si Gianna ay kasama ng kanyang ama na nasawi sa helicopter crash noong January 26, 2020.
“In honor of my Gigi’s 15th birthday,” aniya.
“100% of the proceeds go to the Mamba and Mambacita Sports Foundation.”
Ang nickname ni Gianna ay ‘Mambacita’. Kung saan ay hango sa monicker ni Kobe na ‘ Black Mamba’.
Ayon pa kay Vanessa, ang collection ay available para sa unisex at kids.
Ibinulalas din niya ang frustrations sa Nike dahil sa paglilimita ng Kobe products.Nangyari ito noong nagretire si Bryant sa NBA at pagkatapos ng kanyang kamatayan.
“My hope will always be to allow Kobe’s fans to get and wear his products.”
“I will continue to fight for that. Kobe’s products sell out in seconds. That says everything,” aniya.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!