INARESTO ng mga awtoridad ang isang driver ng van matapos mahulihan ng bultong-bultong shabu na tinatayang nasa P13.3 bilyon sa isang checkpoint operation sa Alitagtag, Batangas.
Sa ulat na ipinadala ni Batangas Police Provincial Director Police Colonel Samson Belmonte kay PRO Calabarzon Regional Director P/BGen. Paul Keneth Tuhay Lucas, nabatid na habang ang operating teams ng Alitagtag MPS ay nagsasagawa ng anti-criminality checkpoint operation sa Barangay Pinagkrusan, ay dumaan ang isang kulay silver na Foton passenger van na may plakang CBM5060.
Nang usisain ng mga ang kinakailangan na dokumento, napasin ng mga awtoridad na balisa at hindi mapakali ang driver ng nasabing van.
Dahil dito, agad na inusisa at tiningnan ng mga pulis ang laman ng likod ng sasakyan at boluntaryong tinanggal ng driver na suspek ang kulay asul na toldang nakatakip sa mga nakalagay sa sasakyan.
Laking gulat ng mga awtoridad nang bumulaga sa kanila ang bulto-bultong hinihinalang shabu na nag-resulta sa pag-aresto sa suspek.
Kinilala ni P/BGen Lucas, ang arestadong suspek na si Alajon Michael Zarate, 47, residente ng Project 4, Masagana, Quezon City.
Pinapurihan naman nina DILG Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Rommel Francisco Marbil ang mga tauhan ng Alitagtag Municipal Police Station sa pangunguna ni Officer in Charge (OIC) Police Captain Luis Q. De Luna dahil sa malaking accomplishment ng PNP sa kampanya laban sa iligal na droga. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA