Patay ang isang rider ng motorsiklo habang dalawa naman ang sugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan kabilang ang isang Nissan Van na kulay Alpine White na may plakang NDN 6306, Honda Click na kulay itim with plate number 404 TQM at Yamaha Mio na kulay itim na may MV File Number 401-0430940 sa Magsaysay Road, Brgy. San Antonio sa lungsod ng San Pedro Laguna.
Kinilala ang nasawing rider ng Honda Click na si Rolando Selga, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Arvimar, Tanza Cavite,
Sugatan naman ang pasahero nito na si Marvin Francisco, 37, residente ng Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal at ang rider ng Yamaha Mio na si Charlie Escaño, 29-anyos, habang ang suspek na driver ng van ay nakilalang si Jesthony Muñoz, 29 taon gulang, residente ng Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya parehong binabaybay ng Van at ng Yamaha Mio motorcycle ang eastbound habang nasa westbound naman ang Honda Click sa kahabaan ng Magsaysay Road subalit pagsapit sa kurbadang daan ay nag-overshoot ang Honda Click ni Selga at sinakop ang kabilang daan dahilan para aksidenteng masalpok ng van na minamaneho ni Munoz ang motorsiklo at nasapol din ng van ang Yamaha Mio ng rider na si Escaño.
Agad dinala sa Amante Hospital ang dalawang rider ng mga motorsiklo at ang pasahero na si Francisco, para gamutin subalit idineklarang Dead on arrival ang rider na si Selga ng rumespondeng doktor.
Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence in Resulting to Homicide, Multiple Physical Injuries at Damage to Property ang driver na si Munoz na nakakulong ngayon sa San Pedro City Police Station. (Erichh Abrenica).
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD