December 28, 2024

Valenzuela police at mga mamamahayag sa CAMANAVA, nagsagawa ng dayalogo

Nagsagawa ng dayalogo sa pagitan ng kapulisan ng Valenzuela City Police sa pangunguna ni P/Col. Salvador S. Destura Jr, Officer-In-Charge ng Valenzuela City Police Station at mga mamamahayag na komokober sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) upang mapag-usapan at malaman nila kung may banta ba sa kanilang mga buhay o panganib dahil sa kanilang ginagampanang trabaho bilang mga mamamahayag

Kaugnay ito ng pagkakapaslang sa beteranong reporter na si Percy Lapid kung saan ay pinagbabaril ito ng hindi pa kilalang salarin na isa sa tinitignan motibo ay may kaugnayan sa kanyang trabaho.

Nakiusap naman si Col. Destura sa mga mamamahayag na kung sakaling mga may banta sa kanilang buhay ay huwag mag-atubiling lumapit o pumunta sa kanyang tanggapan at ipaalam sa kanila ang anumang uri ng pagbabanta.

Siniguro din Col. Destura na bibigyan nila ng proteksyon at agarang paimbestigahan ang sinumang mamamahayag na komokober sa CAMANAVA area partikular sa Valenzuela City na nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay para sa kanilang kaligtasan, maging ang mga mahal nila sa buhay.

Kasamang dumalo sa naturang dayalogo si ACOPA PLt Col. Aldrin Thompson, SIU chief PLT Robin Santos, SS-2 commander P/Major Randy Llanderal at chief SCAS P/Major Gina PariƱas.