November 3, 2024

Valenzuela nagsimula na sa pagbabakuna sa A5

Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pagbabakuna sa A5 priority group partikular sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, nasa 1,200 4Ps beneficiaries ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng Pfizer vaccine na ginanap sa Valenzuela City Astrodome’s nitong Linggo June 20, 2021.

Alinsunod sa implementing guidelines ng Department of Health (DOH), kasama sa grupong prayoridad ng A5 ang mahirap na populasyon batay sa National Housing Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR. Tulad ng nakilala at napatunayan ng LGU, ang karagdagang mga mahihirap na populasyon ay magiging karapat-dapat din at unang target ng lungsod ang mga indibidwal na nakalista sa ilalim ng 4Ps sa lungsod.

Sa Valenzuela, 14,273 ang active 4Ps beneficiaries, ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Nasa 51,900 ang naka-lined up para sa COVID-19 vaccination kabilang ang active beneficiary’s family members.

Gayunpaman, sinusunod ng lungsod ang iskedyul ng vaccination appointment system habang nag-aalok ng karagdagang tulong sa vaccination site para sa mga miyembro ng 4Ps na hindi nakarehistro sa portal ng ValTrace portal.