November 1, 2024

Valenzuela LGU nagbigay ng ambulansya sa Brgy. Veinte Reales

NAGKALOOB ang Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng ambulansya sa Barangay Veinte Reales, sa adhikain nito na magkaroon ng mas magandang Sistema sa healthcare sa lungsod.

Bilang bahagi ng pangako ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng magandang kalidad ng buhay para sa mga residente ng Valenzuela, ang bagong ambulansya ay magiging malaking tulong sa panahon ng mga emergency situations.

Bukod dito, magiging mas madali at walang problema na ang pagbibigay ng first aid at pagdadala ng mga taong may malubhang karamdaman at nasugatan sa ospital.

Pinangunahan ni Mayor WES ang turnover ceremony ng nasabing emergency vehicle para personal na ipagkatiwala sa pamunuan ng Barangay Veinte Reales kung saan pinaalalahanan din niya ang mga opisyal at kawani ng Barangay na ingatan ang sasakyan para mas matagal itong magamit.

“Alam niyo, kung mayroon mang isang sasakyan sa buong city hall – sa libo-libo nating sasakyan na mayroon tayo sa city hall, ang ambulansya ang pinakagamit na gamit na sasakyan. Mayroon naman po tayong ambulansiya dito sa Veinte Reales, dahil nakita ko, na-calculate ko po ang population, talaga pong kakailanganin natin ng additional na ambulansya,” ani Mayor WES.

Bukod sa bagong medical vehicle na ibinibigay ng lokal na pamahalaan, layunin din ni Mayor WES na sanayin ang mga ambulance driver para magkaroon sila ng mas kaalaman sa paghawak ng sasakyan sa tuwing sila ay nasa emergency situations.

Aniya, ito ay gumaganap bilang isa sa kanyang mga solusyon sa pag-iisip para sa mas mapabilis at mas ligtas na transportasyon ng mga pasyente na nangangailangan ng elevator.