BILANG isang taos-pusong pagkilala, pinaarangal ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, ang mga frontliner at mga rescuer na nagkaroon ng mahalagang papel noong pananalasa ng Bagyong Carina at habagat sa isinagawang flag raising ceremony noong Lunes ng umaga.
Kabilang sa mga binigyan ng komendasyon, ang Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO)Valenzuela City Liga ng mga BarangayValenzuela City Social Welfare and Development OfficeValenzuela City Command and Coordinating Center (VCC3) Philippine Red Cross – Valenzuela City Chapter, Philippine Coast Guard District NCR-CL, Philippine Coast Guard Auxiliary District NCR-CL, Philippine Coast Guard Auxiliary 124th Squadron, Coast Guard Ecumenical Chaplain Service, Coast Guard Special Operation Group NCRL-Central Luzon, Coast Guard Base Farola, Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service, Coast Guard Station Manila, Coast Guard Education Training and Doctrine CommandCoast, Guard Medical Service, Valenzuela City Police Station, Bureau of Jail Management and Penology – Valenzuela City, Bureau of Fire Protection – Valenzuela City at Philippine Army Reservist.
Ang mga pagkilalang ito ay ibinigay bilang pagpapahalaga sa walang pag-aalinlangang paglilingkod at dedikasyon na ipinakita ng mga grupong ito sa harap ng mga pagsubok. Ang kanilang mga pagsisikap ay naging mahalaga sa pagsasagawa ng mga rescue operation, pagbibigay ng tulong medikal, at pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod sa kabila ng mga hamong dulot ng bagyo at habagat.
Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng Certificate of Commendation at tulong pinansyal sa dalawang kawani ng Waste Management Office at isang kawani ng City Veterinary Office na nasugatan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin pagkatapos ng bagyo.
Kinilala at binigyang-pugay rin ng pamahalaang lungsod ang yumaong si Engr. Romel L. Pondevida, pinuno ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), ng isang Posthumous Service Award.
Ang natatanging parangal na ito ay pagkilala sa walang kapantay na dedikasyon at pamumuno ni Engr. Pondevida sa pangangasiwa ng mga programang pang-kalikasan.
Ang kanyang walang hanggang pagsusumikap para sa kapakanan ng Lungsod ng Valenzuela ay nag-iwan ng isang pamana na mananatiling alaala at pahahalagahan ng lungsod.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Mayor WES ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng pinarangalan dahil sa kanilang walang sawang dedikasyon para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Valenzuelano. Binigyang-diin rin niya ang kahalagahan ng pagkilala at pagsuporta sa mga taong handang isakripisyo ang kanilang buhay para sa komunidad.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA