Magkakaloob ang Valenzuela City ng P 6-milyong financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly sa ilang lungsod at munisipaliad sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa pagtatapos ng linggo.
Nakasaaad sa Council Resolution No. 1871, Series of 2020, na awtorisado si Mayor Rex Gatchalian na maglabas ng pondo mula sa the General Fund para sa: Albay –P 2,200,000 cash; Camarines Sur –P 2,500,000 cash; at Catanduanes –P 1,300,000 cash.
Itinaas ng Philippine Atmospeheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang typhoon Signal No. 5 sa Albay, Camarines Sur at Catanduanes noong Nobyembre 1 dahil sa Super Typhoon Rolly.
Umabot sa 14 ang namatay dahil sa nasabing bagyo sa Albay at anim mula sa Catanduanes at noong Nobyembre 4 ay isinailalim ang Albay, Camarines Sur, at Catanduanes sa “State of Calamity.”
Higit sa isang milyong tao ang naapektuhan ng bagyo sa mga nasabing probinsya kung saan malaking bahagi pa rin ang nananatiling walang kuryente at tubig at maraming pamilya pa rin ang namamalagi sa evacuation centers habang sinusubukang kumpunihin ang kanilang mga napinsalang bahay.
“Although we have spent so much fund in the response to COVID-19 that almost depleted our resources, we are still fortunate enough to have some amounts to spare to assist our brothers and sisters who suffered ill luck from the recent super typhoon while the battle against this pandemic is still on going,” ani Gatchalian.
Noong Enero ay nagkaloob ang Valenzuela ng P12-milyong financial assistance sa Taal Volcano eruption victims sa Batangas, at nagbigay din ng P 22-milyong tulong sa probinsya ng Cotabato at Davao del Sur matapos ang magnitude 6.5 na lindol noong Oktubre 2019.magnitude na earthquake last October 2019.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA