PINANGASIWAAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang benchmarking activity ng NavoHimlayan Crematorium, Columbarium, at Funeral Chapel para sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela.
Malugod na tinanggap ni Mayor John Rey Tiangco si Valenzuela Mayor Weslie Gatchalian, kasama ang kanyang Chief of Staff, Architect Benjamin Gamaro; City Engineering Officer, Engr. Rey Sunga; City Health representative, Dr. Marilyn Liwanag; at City Social Welfare and Development representative, Marilou Capacillo.
Ang tatlong taong gulang na NavoHimlayan ay itinatag upang tugunan ang kasikipan at kakulangan ng espasyo sa pampublikong sementeryo ng lungsod. Nag-aalok ito ng libreng serbisyo sa libing sa mga mahihirap na Navoteño.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Tiangco na ang NavoHimlayan ay ang pagsasakatuparan ng pangako ng pamahalaang lungsod na aalagaan nito ang mga Navoteño mula sinapupunan hanggang libingan.
“Death of a loved one is never easy. Aside from the pain of saying goodbye, there is the concern of funeral and burial costs. We want to take away this burden and help indigent grieving families,” ani Tiangco.
Mula noong 2008, ang pamahalaang lungsod ay nag-aalok ng Libreng Libing services sa mga mahihirap na nasasakupan.
Kasama sa programa ang libreng casket, burial set-up, cremation, urn na may nameplate, at paggamit ng columbarium vaults. Kung COVID-positive ang namatay, saklaw din ang libreng imbakan ng katawan at services pick-up.
Nagpahayag naman si Gatchalian ng kanyang mataas na pagpapahalaga sa proyekto at ang kanyang pagnanais na maitayo ito para sa Valenzuela.
“Though it is not often discussed, the limited space for cemeteries in urban cities like ours is a recurrent problem. We cannot prevent death so we need to solve the issue of cemetery congestion to better serve our people,” ani Gatchalian.
“We were told that if we want to build a crematorium in Valenzuela, we need to visit Navotas because you have one of the best facilities in Metro Manila and your services are considered exemplary,” dagdag niya.
Nagbibigay ang NavoHimlayan ng cremation services, at columbarium at funeral chapel rental. Ang city columbarium ay may 3,632 vault at kayang tumanggap ng hanggang 19,000 urns.
Ang mga Navoteño na kayang bayaran ang mga serbisyo ng NavoHimlayan ay maaaring umarkila ng columbarium niche sa loob ng 25 taon. Mula noong Disyembre 2019, nakumpleto na ng Navotas ang 2,256 cremations kung saan 1,919 dito ang na-subsidize.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA