Ibinida ng Taguig City Government sa IATF code team ang kanilang vaccination hub kung saan ipinakita ang proseso ng pagbabakuna na matatagpuan sa Lakeshore Complex sa Taguig City.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano ang vaccination hub ng lungsod ay dito isasagawa ang pre-registration para sa tatanggap ng bakuna sa sandaling available na ito.
Sa katabi naman nito, dito naman isasagawa ang vaccination na pinangangasiwaan naman ng mga doctor nurse at midwife.
Tutulong din ang mga Barangay health workers upang umalalay sa pre-registration area kung saan 4 step ang kanilang pagdadaanan upang matiyak na ligtas ang kanilang kalusugan bago sila isalang sa pagbabakuna.
Ikinatuwa naman ni Cayetano ang pagbibigay papuri ng IATF code team sa kanilang kahandaan sa vaccination program ng Lokal na pamahalaan ng Taguig City. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE