SINIMULAN na ng Quezon City Government ang paglalagay ng tamper-proof security seals sa vaccination cards ng QCitizens, para matiyak na ang pekeng cards ay hindi mapagkakamalang authentic.
Inumpisahan na itong ilunsad ngayong araw, Hulyo 9, sa anim na vaccination sites na naka-schedule na pangasiwaan ang second dose ng may 4,000 indibidwal at magpapatulay hanggang ang national government ay simulan ang pagpapatupad ng centralized vaccination certification system.
Ang hologram seal ay countersigned ng authorized representative ng Task Force Vax to Normal.
“The security seal certifies that vaccination cards presented by their bearers as proof of having been fully vaccinated are authentic”, ayon kay Mayor Joy Belmonte.
Ang posibilidad ng panloloko ay patuloy umanong tumataas dahil sa parami nang parami ang insentibo at discount at libreng produkto ang ibinibigay at iniaalok sa mga fully vaccinated na indibidwal. Habang ang vaccination cards ay kinakailangan din sa interzonal travel ng ilang LGUs.
“Apart from a vaccination certificate for travel or work, which the Quezon City Health Department also issues, the tamper-proof security seal guarantees that vaccination cards presented for whatever purpose are genuine. Now that interzonal travel for fully-vaccinated individuals is being relaxed and more merchants are offering discounts to vaccinated individuals, our goal is to ensure that our QCitizens will have easier access to places and services,” wika ni Belmonte.
“The original purpose of the city-issued vaccination card was merely to provide the necessary information related to an individual’s vaccination, such as the date of the second dose, the vaccine brand administered, and who administered it; but given the delay in the roll-out of vaccine passes or a centralized vaccination certification system by the national government, we are in the interim, putting in place measures to make the vaccination cards more secure, especially for those requiring this for travel, work, and other purposes,” dagdag naman ni Quezon City Vax To Normal Co-Chair Joseph Juico.
Kaugnay nito sinabi ni Mayor Belmonte na ang valid photo na nakalagay sa IDs ng fully vaccinated person na ipi-prisenta sa restaurant, shops at mall kabilang ang cards ay para matiyak na ang cards ay hindi mapupunta sa mga taong hindi vaccinated na tao.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON