THE Duterte administration’s vaccination campaign to convince the public to vaccinate depends on the positive results of Sinovac administered to some recipients yesterday.
Kung walang masamang epekto ang Sinovac vaccine sa mga naturukan, marami sa mga ordinaryong mamamayan ang makukubinse na magpabakuna na.
Subalit kung may masamang epekto ang Sinovac vaccine sa mga nabakunahan na nito, siguradong lalangawin ang campaign ng Duterte administration to persuade the people to vaccinate at mabubulok lang ang iba pang bakuna gaya ng Pfizer, Aztra Zeneca, at Moderna.
Kung kaya’t dapat dito tumutok ang communication strategy ng gobyerno. Dapat kaagad na kunin nilang magsalita sa publiko ang mga naturukan na nguni’t walang naging masamang epekto. Dapat i-highlight kaagad ng gobyerno ang positive result ng Sinovac vaccine sa ating mamamayan.
Sa kasalukuyan, very passive and one way ang communication efforts ng gobyerno in their duty to convince the people to vaccinate. Pero kung marami ang naging masamang epekto sa mga naturukan na ng Sinovac, babagsak lalo ang kumpiyansa ng taumbayan hindi lang sa Sinovac kundi pati na rin sa lahat ng brand ng COVID-19 vaccines.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna