Nalingkis ni Donnie ‘Ahas’ Nietes (43-1-5), 38, ang vacant WBO International super flyweight title sa Caesars Palace sa Dubai.
Dinomina ni Niestes ang Colombian opponent na si Pablo Carillo, 32. Ginamit ng Pinoy boxer ang kanyang jabs.Sa ganitong taktika, na-set up niya ang mga kombinasyon at power punches.
Naging alas din nito ang 3-inches na height advantage kay Carillo. Kaya naman, nanalo ang tinaguriang ‘Ahas’ via unanimous decision.
Pinaboran ng mga judges si Nietes, 99-91,98-92 at 96-95. Ang laban sa Dubai ang kanyang first fight sa loob ng 2 taon.
Ito’y matapos talunin si Kazuto Ioka para sa vacant WBO super flyweight title noong December 31, 2018. Ngunit, hinubad nya ang belt makalaipas ang isang buwan.
Wagi rin si Nietes sa kanyang second straight fight. Dahil dto, naitala niya ang 36-match unbeaten streak. Huli siyang natalo kay Angky Angkotta noong 2004.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA