Sinaksihan ni PNP Chief PDir. Gen. Guillermo Eleazar ang Change of Command Ceremony nina out going Calabarzon Regional Director PBGen. Felipe Natividad na malilipat bilang hepe ng Special Action Force (SAF) at ni incoming Regional Director PBGen. Eliseo DC Cruz nitong Lunes sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna. Sinabi ni General Cruz na kanilang palalakasin ang programa ni General Eleazar na Intensified Cleanliness Program (ICP) tulad ng paglilinis sa mga police stations, sa kanilang hanay at ang paglaban sa illegal drugs. Ilulunsad din ang “Sumbong mo Aksyon Ko” kung saan gagamitin lahat ng mga communication platforms ng PNP upang mapagsumbungan ng publiko. (Koi Hipolito)
MAGBIBIGAY ng libreng face mask ang Philippine National Police para sa mga mahuhuling health protocol violators lalo na ang mga walang kakayahang bumili.
Ayon kay PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga mahuhuling lalabag sa facemask ordinance ay hindi ikukulong subalit isasailalim sa booking at iimbestigahan.
Maari aniyang pigilin sa loob ng 12 oras ang mga lalabag habang sumasailalim sa imbestigasyon at booking procedure.
Aalamin din kun ang violator ay may dati nang rekord sa PNP.
Bilin naman ni Eleazar sa mga pulis, hulihin at arestuhin ang mga makikitang walang suot na face mask.
Pero huwag ikulong ang mga ito at sa halip ay dalhin lamang sa holding area.
Ibinilin din niyang huwag saktan, huwag pag-ehersisyuhin at huwag ipahiya ang mga mahuhuli. (Koi Hipolito)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA