ITINALAGA ang kapatid ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at binigyan ng puwesto sa Light Rail Transit Authority (LRTA).
Sa dokumentong nasilip ng Politiko na may petsang Agosto 5, 2022, nakasaad ang pagkakatalaga kay Edwin Rodriguez bilang Alternate Representative ng MMDA sa LRTA Board of Directors na epektibo kaagad.
“As such, Mr. Rodriguez is authorized to attend all meetings and represent the Authority to the LRTA Board,” mababasa sa dokumento na nilagdaan ni acting MMDA Chairman Carlo Antonio Dimayuga III.
Papalitan ni Edwin Rodriguez bilang representative to the boards si MMDA Director for Legal and Legislative Affairs Rochelle Macapili-Ona.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA