September 20, 2024

Utol ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, pumanaw na

PUMANAW na ang alkalde ng bayan ng Barili sa lalawigan ng Cebu na si Marlon Garcia ngayong araw, Setyembre 6.

Si Garcia ang nakababatang kapatid ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Kinumpirma ang pagpanaw ng naturang alkalde sa Facebook post ng kanyang kapatid na si Winston Garcia.

“To lose one brother is painful enough, but to lose another brother in the same week, my heart just can not take any further. The true fighter that he was, my brother, Marlon has been fighting for his life for the last few weeks,”  malungkot na anunsiyo ni Winston.

“This morning, he joins my brother, Nelson, and my mother in heaven,”  dagdag pa niya.

Hindi naman nabanggit ang sanhi ng pagkamatay ni Garcia.

Noong Agosto 2, kinumpirma ng gobernador na nagpositibo si Marlon sa COVID-19.

Ang nakababatang Garcia ay naluklok bilang alkalde ng 2nd class municipality noong 2016, at muling nahalal noong 2019.

Sunod-sunod ang pagkamatay sa pamilya ng Garcia, na noong Miyerkoles ay inanunsyo din ni Winston na pumanaw din ang kanila pang kapatid na si Dumanjug mayor Nelson Garcia.

Hindi rin nabanggit ng Cebu Provincial Public Information Office ang dahilan ng pagnakaw ni Nelson.