INARESTO ng pulisya si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa Dumaguete City, Negros Oriental ngayong araw dahil sa umano’y paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
Isinilbi ng mga operatiba ng Philippine (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Negros Orieantal ang arrest warrant laban kay Teves dakong alas-8:15 ng umaga sa Dr. Vicente Locsin Street sa Barangay Taclobo, Dumaguete City,
Inilabas ang arrest warrant ni Judge Marlon Jay Guillena Moneya ng Cebu City Regional Trial Court Branch 74 noong Mayo 13 at nagtakda ng P200,000 na piyansa.
“Teves, 51, was apprehended following his designation as a most-wanted person (MWP) at both the provincial and regional levels,” mababasa sa press release ng Department of Justice.
Noong Agosto 2023, idineklara ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Teves, gayundin ang kanyang kapatid, na ngayon ay pugante na ex-congressman na si Arnie Teves, at 11 iba pa bilang mga terorista dahil sa kanilang pagkakasangkot sa ilang umano’y pagpatay at panghaharas sa Negros Oriental.
Itinuro si Arnie Teves na umano’y utak sa 2023 assassination kay Negros Oriental Governor Roel Degamo. Nitong nakaraan, inilagay ng Prosecutor General’s Office ng Timor-Leste ang naturang pugante sa house arrest.
Marso 24, 2023 nang masabat ng puwersa ng mga pulis at sundalo ang iba’t ibang uri ng baril at bala sa ginawang pagsalakay sa isang agribusiness compound na nakarehistro kay Pryde Henry Teves.
Inamin din ng dating gobernador na ang kanyang driver ang suspected spotter sa pagpatay sa dating provincial government employee, sa isang Senate public inquiry noong Abril 2023.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA