Umabot na sa P14.51 trilyon ang utang ng Pilipinas bago matapos ang taong 2023 sa kabila ng pagsusumikap ng pamahalaan na bayaran ang mga obligasyon nito sa loob at labas ng bansa.
Ibig sabihin, kung ang populasyon ng bansa ay 118,232,049 base sa tala ng worldmeter, ang bawat Filipino ay may utang nang mahigit sa P121,000.
Ang nasabing utang ay bahagyang paglobo mula sa P14.48 trilyon noong Oktubre.
“[National government’s] debt stock increased by P27.92 billion or 0.19% month-over-month, primarily due to the net issuance of domestic securities,” paliwanag ng Bureau of Treasury ngayong Miyerkules.
“Of the total debt stock, 30.91% are from external sources while 69.09% are from domestic borrowings.”
Umakyat ng P122.02 bilyon (1.23%) ang utang panloob sa bansa kumpara noong Oktubre dahilan para lumobo ito sa P10.02 trilyon. Aniya, dahil ito sa net issuance ng government securities.
Na-off set pa ito ng P3.87 bilyon dahil sa pagbaba ng halaga ng piso kontra sa dolyares. Umakyat naman ng P816.02 bilyon (8.86%) ang year-to-date domestic debt sa ngayon.
Sa kabila nito, bumaba naman ng 2.06% (P92.15 bilyon) ang pagkakautang ng gobyerno sa mga dayuhan pababa ng P4.48 trilyon.
Iniuugnay ng Treasury ang mas mababang external debt sa net repayment ng foreign loans na pumapatak ng P1.08 bilyon, maliban pa sa paborableng foreign exchange movements.
“NG external debt has increased by P273.84 billion or 6.50% from the end-December 2022 level,” dagdag pa ng Treasury.
Lumabas ang balitang ito ilang araw matapos ibalita ang pinatinding pagsusumikap ng gobyernong bayaran ang pagkakautang, mula P991.06 biyon noong Nobyembre 2022 patungong P1.53 trilyon sa parehong panahon noong 2023.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI